Tuesday, January 21, 2014

Mga kadalasan nating karanasan sa Dyip



"Dyip". Isang bagay na parte na ng buhay nating mga Pilipino. (Unless Rich ka at may sariling tsikot)
Sa araw araw nating pag-sakay sa Jeep meron tayong kadalasang karanasan
 dito na hindi halos natin napapansin. Pero bago ko isulat ang napaka lufet na article na ito.

Bakit ba tinawag tong Dyip? Nung panahon ng World War dito sa ating Pilipinas.
Nag-dala ang mga puti na tinawag nilang GP Vehicle (General Purpose Vehicle) Sa sobrang
Creative nating mga Pilipino ginawan nating to ng sariling pangalan "Dyip" (Parang mabilisang bigkas
ng letrang "G" at P ") Lufet noh? Ipagmayabang mo sa Classmates mo o ka-opisina itong bago mong kaalaman.
Tara at simulan na natin ang  "Kadalasan nating karanasan sa Dyip"

1.Pagpila sa Terminal


Ito yung stage ng pag byahe mo kung saan dalawa lang ang mararamdaman mo.
Ang Matuwa o di kaya mabadtrip. "Badtrip" dahil kita mo na ang haba ng
Pila at ikaw ang nasa  dulo o matuwa dahil ikaw nalang pala ang
hinihintay na nilalang para i-andar na ni manong driver ang dyip.

Minsan di natin maiwasan yung pag-sakay at ang mga gentle-dogs kagad nauuna
na hindi manlang sumayad sa isip nila na galing sila at inalagaan sila ng isang babae.
Maghintay ng taimtim ang sagot sa problemang ito at isipin mo nalang na may
LBM kaya nagmamadali sila.

2.Mga uri ng Dyip


Normal Dyip: Ito yung tama lang ang andar at tama lang ang timpla ng lahat



Patok na Dyip: Ito naman yung feeling F1 Racer na Dyip na tipong hindi na
sumasayad yung gulong sa daanan na kahit pababa ay ginagas pa rin.Sabayan pa ng
pang Jejemon na tugtugan na nagvivibrate sa pwet mo .
Ang Bass ng amplifier nila ay sobrang lakas tipong
di mo na marining ang boses ng kumakanta dahil puro *BOOM* *BOOM* lang ang naririnig mo.
Kadalasan ang mga driver nito ay mga payat na driver na naka shades at ang kaliwang kamay ay
nasa labas ng window na tila "Mercedes Benz" ang minamaneho. Sabayan pa ng sidekick na nakasando
at nakatalikod ang style ng sumbrero habang ang paa ay naka taas sa upuan para ipakita na "Cool" sya
kahit side kick sya ng driver. Kadalasang trabaho nito ay:

1)Hilahin ang busina na wala sa lugar gamit ang pinagdikit dikit na bakal ng "Coke in Can" o di kaya nakasabit na sirang "Stuffed toy"
2)Mag hanap ng prospect chicks na pauupuin sa tabi niya sa harap.
3)Manukli ng mali


3.Mga paraan ng pagkuha ng pasahero


Perseverance style

Ang style naman na ito ay yung kahit pang 42 beses mo na sinabi sa kundoktor na hindi yun ang destinasyon na pupuntahan mo ngunit pipilitin ka pa rin nila.


Mang Kanor Style

Ang paraan ng pagkuha ng pasahero ay binabase sa vital statistics ng babae at face value.Yung tipong pagsakay mo ng dyip akala mo inarkila ng isang "All Girls School" ang sasakyan.


Doraemon Style

 Ito yung tipong makatawag ng pasahero wagas akala mo unlimited seats ang nasa loob ng  dyip at hindi napupuno. Mahihinto lang ang style ng dyip na to kapag naramdaman na ng Driver na andami ng nagrereklamo sa likod at para maiwasan ito lalakasan lang niya ang tugtog ng kanta sa radyo o sa kanyang CDR-King Mp3 . (Para-paraan din)


4.Mga Uri ng pasaherong sumasakay sa Dyip


Palmolive Girls

Mga pasaherong babaeng feel-na-feel ang paghangin ng kanilang buhok kapag sumasakay sa jeep na walang pakels kahit natakpan na pala ang muka ng  katabi.

Aspiring Dj's

Ito naman yung mga pasaherong naka Dr.Dre headphones palagi at tila gustong marining mo din ang mga kantang di mo naman trip.

Dragon Boys

Mga lalaking kahit sobrang sikip na ng upuan palaging nakabukaka at pinoprotectahan ang kanilang "Dragon Balls"

"Dulo" king  

Kadalasang lalaki na paboritong paborito ang pagupo sa dulo ng jeep (Yung malapit sa labasan) at kapag tumingin sa labas akala mo gumagawa ng music video ang peg.

I-GM mo      

Ito naman yung tipong 2 or 3 na magkakaibigan na sumakay sa dyip at kung makapag usap sa isat isa akala mo ngayon lang nagkita-kita.

F.C  People  

Kung makasandal sayo dinaig pa ang poster ng movie sa recto Yung tipo ngayon lang kayo nagkita biglang sasandal sayo(Depende kung chicks!).

Statue          

Isang klaseng pasahero na may selective hearing. Yung tipong nanga-ngalay na ang braso mo dahil di inaabot ang bayad mo.

Sexy whale   

 Mga pasaherong mataba na kadalasang naka fit na jogging pants na pink at may nakalagay sa pwetan na "Bitch" or "Sexylicious" na kahit alam naman nila sa sarili nila na di kasya ang pag-upo. Ipipilit nila.

Double Agent  

Akala mo pasehero pagsakay bigla nalang maglalabas ng sobre. Kundi magbibigay ng talent gamit ang maganda tugtog ng man made drums o di kaya magdadasal ng hindi mo                                         maintindihan.( Mas okay pa ang Drums kaysa naman sa dasal na di mo alam na binibigyan ka na pala ng sumpa)

Tips kapag sasakay ng Dyip:

1.Ugaliin maglakad nalang kung malapit naman ang pupuntahan
2.Palaging magdala ng mga barya para maiwasan ang mali maling sukli ng sidekick
3.Huwang umupo malapit sa driver para di magkaron ng sideline na trabaho.




                       









No comments:

Post a Comment